Pagninilay-nilay Para sa Unang Araw ng Misa De Gallo
Magandang umaga po sa inyong lahat! Ako po si Alex Gavino, isang manggagamot at miyembro ng choir dito sa parokya.
Tanda ko pa ang isang naging pasyente ko noong ako ay nasa ika-apat na taon ng pag-aaral ng medisina sa PGH. Si Lola Florentina ay pitumpu't apat na taong gulang na at nagkaroon ng komplikasyon sa puso at baga. Nagbabantay sa kanya ang kanyang asawa na halos kasing edad din niya - si Lolo Juan. Etong si lola ay may kasungitan dala na rin ng kanyang nararamdaman ngunit araw araw ay matiyagang binabantayan ni lolo ang kanyang maybahay. Walang anak na dumalaw sa buong pagtigil niya sa ospital kung kaya’t silang dalawa lamang ang palaging magkasama. Paminsan minsan, dala ng katarantahan sa mga pinapagawa ng mga doktor kay lolo, natutulala na lamang siya. Ngunit hindi kailanman nawala si Lolo Juan sa tabi ni Lola Florentina. Hindi ako ang mismong doktor ni Lola Florentina dahil mag-aaral pa lamang ako ngunit paminsan-minsan ay kinakausap ko siya, pati na rin si lolo upang pagaanin ang kanilang loob. Di lumaon ay lumala ang sitwasyon ng sakit ni lola at siya ay binawian ng buhay. Nang matapos ang lahat ng pag-aayos sa bangkay ni Lola Florentina, dumaan ako sa kanyang hinihigaang kama upang siya ay ipagdasal. Doon ko nakita ang umiiyak na asawa - si Lolo Juan. Nilapitan ko siya upang bigyan ng simpatiya. Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin: "Doktor, maraming salamat po sa pag-alaga niyo sa aking asawa. Hindi ko po alam kung ano na ang mangyayari sa akin ngayong wala na siya. Palagi ko po siyang kasama simula pagkabata." Halo-halong emosyon ang aking naramdaman sa sinabi ni lolo. Nahiya ako nang nagpasalamat pa rin siya sa akin kahit na nagkaroon ng ilang pagkakataon na napagsabihan ko siya dahil sa kanyang katarantahan. Nandun din yung pagkamulat na hindi ko kailangang maging isang ganap na doktor upang makapag-aruga sa isang nangangailangan. Kahit na ang simpleng pakikipag-usap sa kanila ay nakakapagbigay ng kagaanan ng loob sa isang pasyente. At higit sa lahat, doon ko nakita ang tunay na pagmamahal ng isang asawa sa kanyang maybahay.
Ngayong naghahanda tayo sa pagdating ni Kristo sa araw ng Pasko, sinisimulan muli natin ang siyam na araw na Misa de Gallo upang ihanda ang ating mga puso. Ngunit hindi natin kailangang hintayin ang Pasko upang maramdaman natin ang presensiya ng Panginoon sa ating buhay. Isang hamon para sa ating mga Kristiyano na maging isang Kristo para sa ating kapwa. Totoo nga na nabigyan ako ng pagkakataon upang mapadama sa aking pasyente ang presensiya ni Kristo dahil sa aking propesyon - nakakatulong ako sa mga may sakit, napapagaling ko sila. Isa lamang akong instrumento upang maihatid ang kanyang pagpapagaling sa mga nangangailangan. Ngunit hindi natin kailangang maging isang doktor para maipadama natin ang presensiya ni Hesus sa ating kapwa. Marahil dahil sa mga makabagong medisina, masasabing ang mga sinasabi ni Kristo sa ebanghelyo ay natutupad - ang mga bulag ay nakakakita, nakakalakad ang mga pilay, nakakarinig ang mga bingi. Ngunit hindi natin kailangang maging doktor upang magawa ang lahat ng ito. Kung tayo ay magiging mapag-aruga sa isang taong madilim ang pananaw sa buhay dahil sa problema, marahil siya ay maliliwanagan at makakakita. Kung tayo ay tutulong sa isang kapwang nahulog at nawalan na ng pag-asa, marahil siya ay makakalakad muli para humarap sa buhay. At kung tayo ay magsasalita ng mabuti sa ating kapwang nalilihis ng landas, marahil siya ay makakarinig muli at susunod sa yapak ng Diyos. Tayong lahat ay binigyan ng Panginoon ng kapasidad upang maging Kristo sa bawat isa dahil nilikha niya tayo ayon sa kanyang kawangis. Kung kaya’t kailangan lamang nating maging bukas loob sa isa’t isa.
Gayundin, gaya ng Misa De Gallo na paghahanda sa pagdating ni Hesus, ang ating buhay ay dapat maging paghahanda rin para sa Kanyang ikalawang pagdating. Sa kabila ng lahat ng mga problema at suliranin na ating nakikita sa ating paligid, kailangan tayong maging matiyaga at tapat sa ating pananampalataya na si Kristo ay magiging tapat sa Kanyang pag-ibig sa atin. Marahil higit pa sa pagtitiyaga at pagmamahalan nina Lolo Juan at Lola Florentina. Kailangan tayong maging Kristo para sa bawat isa. At maging Juan Bautista para sa mga hindi pa nakakakilala kay Hesus.
Sa ating pag-uwi ngayong unang araw ng Misa de Gallo – at sa kabuuang siyam na araw ng Misa de Gallo - tayo ay magalak sa paghihintay. Gaya ng galak na nararamdaman ng isang inang nagdadalang-tao ng siyam na buwan. Ito ang magbibigay sa atin ng tunay na Diwa ng Pasko dahil sa paghihintay, nagkakaroon ng kahulugan ang hinihintay.
Isang makabuluhang Pasko sa inyong lahat. Maraming salamat po.

No comments:
Post a Comment